Santi Celario | Remate
September 15, 2020
Manila, Philippines – Nakita ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang innovative na solusyon sa problema ng paghahakot ng basura sa komunidad ng estero sa kahabaan ng Tullahan-Tinajeros River System gamit ang kanilang bersyon mula sa “habal-habal”
Nabatid na ang “poor man’s motorcycle taxi” na habal-habal na isang improvised two-wheeled single motorcycle na ginagamit bilang passenger capacity lamang.
Subalit may sariling bersyon dito ang DENR na bilang isang utility vehicle na ginagamit bilang eco-friendly bicycle na may automatic foot break at may two-by-three sidecar para makahakot na mga basura ng kabahayan.