LUNGSOD QUEZON, Abril 19 (PIA) -- Inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, Chairman-designate ng Climate Change Commission (CCC), ang isinumiteng “Nationally Determined Contribution” (NDC) ng Pilipinas ang magiging instrumento para umunlad ang ekonomiya sa pamamagitan ng pag-adopt ng modernisado at low carbon na teknolohiya gayundin ang mga pamamaraan na magpapagaan ng krisis sa klima.

Ani Sec. Dominguez, sa papagitan ng NDC, ang ekonomiya ay mas tatatag at mapapanatili ang pag-unlad.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang unang “Nationally Determined Contribution” (NDC) sa bansa para mabawasan ang greenhouse gas (GHG) emission.

 

(Read More)